Isang bagay na lahat ng tao siguro ay nararanasan.
Paghanga. Maaaring sa pisikal na kaanyuan ng isang tao, sa kanyang ugali o kaya naman sa kanyang pakikitungo. Ang kahit na anong katangian ay maaaring hangaan sa iba. Marami nga ang ginagawa pang inspirasyon ang kanilang hinahangaan. Nakakatuwa at nakakagaan ng damdamin ang paghanga. Ito ang nagpapangiti sa iyo at nagpapasaya. Kinukumpleto ang araw mo at nagiging makulay ang lahat.
Ano naman ang pag-ibig? Ang pag-ibig ay isang pakiramdam na malaking malaki ang pagkakaiba sa paghanga. Ang pag-ibig ay isang bagay na walang tamang depinisyon at isang bagay na mananatiling misteryo. Isang bagay na hindi mapaliwanag, kahit pa ng siyensya. Ang pag-ibig ay wagas at totoo, walang simula at hangganan :) ♥
No comments:
Post a Comment