Iba't ibang klase ng tao sa school

  • Populars - Sikat na sikat sa campus. Sila yung mga taong mataas ang tingin ng mga tao. Mapagrupo man or individual, sila yung naghahari ng batch niyo. Usually maraming “FC” pagdating sa mga ganitong tao. Kelangan ng ganda/gwapo at matinding appeal sa mga tao para makapasok sa kanila.
  • Bully - Sila yung mga taong mahilig mang-api ng kapwa estudyante. Kapag walang assignment, nagpapagawa kung kani-kanino lang. Kapag tumanggi ka, sila yung makakalaban mo. Kapag nagsumbong ka naman, mas matindi ang ibabalik sayo. 
  • Forever alone - Mga taong mahilig magsolo. Yun bang, walang kasamang friends o tropa tuwing kakain ng lunch o recess. Yan yung mga taong gustong mapag-isa. Silent type ang dating, wala kasi masyadong nakakausap o kumakausap.
  • Nerds - Sila yung sobrang hihilig mag-aral. Walang time sa social networking and game sites. Nagagamit lang ang computer para sa research and assignments. Sila yung laging nagta-top sa klase. “Teacher’s pet” kumbaga. Grades are everything for them. 2 mistakes lang eh para sakanila katapusan na ng mundo.
  • Trying hard - Mga feeling at wannabes. Gusto maging katulad ni ganito ganyan, kinokopyahan si ganito ganyan. Sila yung mga taong antaas-taas tingin sa mga sarili, akala mo naman kung sinong sikat.
  • Stick to syota - Hindi maiwan ang kanilang mga boyfriend/girlfriend. Minsan nakakalimutan na nila yung mga kaibigan nila dahil sobra-sobrang time na binibigay sa mga syota nila. Sila yung akala mo mamatay pag hindi lang nakita yung gf/bf niya ng 2 minutes. Obsessed ba. 
  • Chismoso’t-chismosa - Sila yung mga pinangagalingan ng mga chismis sa campus. Sila yung mga unang nakakaalam ng mga kaganapan. Kahit mapa-sikreto pa yan, gagawa at gagawa ng paraan para mapakalat. Hindi rin sila minsan maganda kasama. Kasi minsan, iniiba na nila yung “totoong” nangyari. 
  • Online addict - 24/7 online sa ganito ganyan. Mamamatay kapag hindi naupdate yung account niya. Yan yung mga taong bumabagsak dahil sa pagcocomputer. Hindi nakakapag-aral kasi pagdating sa bahay eh diretso facebook agad. Buhay na nila yon. 
  • Know-it-all - Sila yung tipong taong mararaming alam. Akala mo kung sinong Einstein kung makapagyabang sa klase. Usually, nakakainis yung mga ganyan kasi pinapamukha sayo na wala kang alam. Kulang nalang sumabog ang ulo sa sobrang laki. Umaapaw ang pride sa sarili. 

No comments: