Crush vs. Mahal

  • Ang crush kasi paghanga lang
Hinahangaan mo si ganito ganyan kasi ganito ganyan. Andiyan padin yung mga kilig moments, sobrang sakit moments pero hindi sobra sobra. Usually pag nagkaka-crush ka, hindi pa seryoso yung pagtingin mo sakanya. Walang masama sa pagkakaron ng maraming crush. Isang sign yun na hindi ka pa sobrang nafa-fall sa kahit isa sakanila. Pwede yan mawala or pwedeng lumala. 
  • Ang mahal kasi yung TOTOO na 
Yung akala mong crush mo lang eh hindi mo alam na nahuhulog ka na pala sakanya. Pano mo malalaman? Kung lagi siya yung nasa isip mo, hindi mo kaya kapag hindi mo siya nakikita, nahihiya ka na sakanya. Pero hindi ibig sabihin na kapag mahal mo yung isang tao, eh dapat kayo. Hindi mo naman mapipigilan yun eh. Eto yung stage na sobrang nagpapakilig sayo at sobra sobra din kung manakit sayo. Doble doble ang epekto sayo nito unlike kung crush lang.

No comments: