Araw-araw mong binabanggit yung pangalan, kapag may nangyari e paulit-ulit mong sasabihin yung mga ginawa niya o sinabi niya sayo. Kapag nakita mo e, parang siya nalang yung huling taong nakita mo, wala ng iba. Kapag nagbanggit lang ng kung anu-ano e (tapos malalaman mong parehas sa kanya) e hindi ka nanaman makaka-usad, maalala mo nanaman. Kapag may nangyari sa kanya o kaya kapag may bagong balita sa kanya e, daig mo pa news reporter o mga chismoso/chismosa kung magtanong ng paulit-ulit at wagas. Ganyan ang hindi makausad, sobrang traffic - daig pa ang edsa, kaya hirap makalimot.
No comments:
Post a Comment